Sa resolusyong pinagtibay kahapon ng Parliamentong Pranses, positibo ito sa pagpapahaba ng air raid laban sa mga target na kontrolado ng "Islamic State" (IS) sa Syria.
Nang araw ring iyon, ipinahayag ni Punong Ministro Manuel Valls ng Pransya na ang pagsugpo sa IS ay tanging pagpili ng kanyang bansa.
Ipinahayag din ni Valls ang pag-aasang sususpendihin ng Pransya ang isinasagawang sangsyon laban sa Rusya, dahil sa krisis ng Ukraine. Ito aniya'y para makipagtulungan sa Rusya sa paglaban sa IS.
Samantala, dapat aniyang bigyan ng tulong ng Pransya ang mga sandatahang lakas sa loob ng Syria, na kontra sa IS.