Buong pagkakaisang pinagtibay noong Biyernes ng United Nations Security Council (UNSC) ang resolusyon bilang pagkondena sa mga teroristikong pag-atake na inilunsad ng Islamic State (IS).
Hinimok din ng UNSC ang mga kasaping bansa na isagawa ang mga operasyon, alinsunod sa pandaigdig na batas, sa mga lugar sa loob ng Syria at Iraq na kontrolado ng IS, para labanan ang mga teroristikong aksyon ng organisasyong ito, at wasakin ang mga kanlungan nito.
Sa isa pang development, nag-usap sa telepono noong Biyernes sina Sergey Lavrov, Ministrong Panlabas ng Rusya, at John Kerry, Kalihim ng Estado ng Amerika. Tinalakay nila ang hinggil sa pagtutulungan ng dalawang bansa sa paglaban sa IS.
Salin: Liu Kai