|
||||||||
|
||
Sa Wuhan, Lalawigang Hubei ng Tsina—Idinaos dito kamakailan ang 2015 Yangtze River Intangible Cultural Heritage Exhibition. Ipinakita sa nasabing pagtatanghal ang mga intangible cultural heritage mula sa 11 lalawigan, munisipalidad at rehiyong awtonomo sa kahabaan ng Yangtze River na kinabibilangan ng Tibet, Qinghai, Sichuan, Yunnan, Chongqing, Hunan, Jiangxi, Anhui, Jiangsu, Shanghai at Hubei.
Tianmen sugar sculpture (kilalang kilala rin ito bilang sugar figure blowing art).
Interesadong interesado ang mga bata sa mga sugar figure.
Qianjiang flour sculpture.
Handmade pottery art crafts na may mahigit 600 taong kasaysayan.
Hubei Yangxin cloth-pasting art.
Sa pamamagitan ng kani-kanilang katangi-tanging kahusayan, idinispley ng 589 na tagapagmana ng intangible cultural heritage ang maluningning at masaganang kultura at kaugalian sa kahabaan ng Yangtze River.
Bamboo-woven handicrafts ng Lahing Dai.
Yunnan shadow puppets.
Kilalang kilala sa buong mundo ang Yunzi weiqi.
Paper cutting art.
Flour sculptures.
Sa panahon ng eksibisyon, nilagdaan ng 11 lunsod ang kasunduang pangkooperasyon, at itinatag ang alyansa ng estratehiya sa pangangalaga sa mga intangible cultural heritage sa mga pangunahing lunsod sa kahabaan ng Yangtze River.
Salin: Vera
Litrato: people.cn
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |