Idaraos sa unang araw ng susunod na buwan sa Beijing ang kauna-unahang BRICS Media Summit. Lalahok sa summit na ito ang mga kinatawan mula sa 25 media organizations ng BRICS countries na kinabibilangan ng Brazil, Russia, India, Tsina at South Africa.
Sa ilalim ng temang "Innovation, Development, Cooperation and Trust," ang summit na ito ay naglalayong palakasin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng mga media organizations ng BRICS countries, at talakayin kung paanong ibayo pang patitingkarin ang papel ng mga media organizations para sa pagpapahigpit ng relasyon ng naturang mga bansa.
Salin: Liu Kai