|
||||||||
|
||
Pinagtibay kahapon ng punong lehislatura ng Tsina ang kasunduan sa pagtatatag ng BRICS New Development Bank (NDB). Sa gayon, ang lahat ng mga lehislatura ng kasapi ng BRICS na kinabibilangan ng Brazil, Rusya, India, Tsina at Timog Aprika ang nagpatibay sa nasabing kasunduan na nilagdaan noong Hulyo, 2014.
Nagsisilbi itong pundasyon para maisaoperasyon ang NDB sa katapusan ng taong ito. Matatagpuan ang punong himpilan nito sa Shanghai, syudad sa dakong silangan ng Tsina.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |