Ipinahayag kahapon ni Sergei Lavrov, Ministrong Panlabas ng Rusya na kasalukuyang ginagawa ang paghahanda para sa pagtatatag ng mga organong pinansyal ng mga bansang Brazil, Russia, India,China at South Africa (BRICS), na gaya ng development bank at foreign exchange reserves bank.
Dagdag niya, bilang tagapangulong bansa ng BRICS sa taong 2015, binalangkas na ng Rusya ang pangmalawakang planong pangkaunlaran para maisakatuparan ang direksyong pangkaunlaran na magkasamang itinakda ng liderato ng BRICS. Aniya, ang nasabing plano ay suportado ng mga kasapi ng BRICS.
Binigyang-diin ni Lavrov na ang isinasagawang pagtutulungan ng mga bansang BRICS ay hindi nakatuon sa anumang ibang panig. Suportado aniya ng BRICS ang namumunong papel ng Karta ng United Nations(UN), mapayapang paglutas sa ibat-ibang sagupaan, at iginagalang din nito ang pagpili ng mga mamamayan sa landas ng pag-unlad at hinaharap ng kanilang bansa.
Ang 7th BRICS Summit ay idaraos sa Rusya, mula ika-8 hanggang ika-9 ng Hulyo.