Nilagdaan kahapon ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya ang utos para ipataw ang sangsyon sa Turkey.
Ayon sa naturang kautusan, dapat itigil ng mga travel agency ang lahat ng mga proyekto ng paglalakbay sa Turkey, ipagbawal ng pamahalaang Ruso ang mga charter flights sa pagitan ng dalawang bansa, isagawa ang mahigpit na pagsusuri sa mga aksyon ng bahay-kalakal ng Turkey sa Rusya, ipagbawal ang paglalayag ng mga bapor ng Turkey sa karagatan ng Rusya, at mula unang araw ng taong 2016, pansamantalang ipagbawal ang pagpasok sa Rusya ng mga Turkish residence, liban sa mga diplomata at kanilang kamag-anak, at iba pang mga Turkish may temporary permits of residence sa Rusya.
Ipinahayag kahapon ni Pangulong Recep Tayyip Erdoğan ng Turkey ang pagkalungkot sa pagbaril at pagbagsak ng combat fight ng Rusya. Bukod dito, umaasa aniya siyang makikipagtagpo kay Putin sa panahon ng Paris Climate Change Conference.