Ayon sa Xinhua News Agency, ipinahayag ngayong araw ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina na palagiang iginigiit ng panig Tsino ang mapagkaibigang patakaran sa Myanmar, at hindi ito magbabago.
Ani Hua, bilang mapagkaibigang kapitbansa, taos-pusong umaasa ang panig Tsino na magiging matatag ang situwasyong pulitikal, maharmoniya ang iba't-ibang nasyonalidad, maunlad ang kabuhayan, at magkakaisa ang iba't-ibang partido ng bansang ito, para magkakasamang mapasulong ang pag-unlad ng bansa. Tulad ng dati, patitibayin ng panig Tsino ang tradisyonal na pagkakaibigan sa Myanmar, at palalalimin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng dalawang bansa, dagdag pa ni Hua.
Salin: Li Feng