Idinaos kahapon sa Washington D.C ang kauna-unahang diyalogo ng Tsina at Amerika hinggil sa paglaban sa cyber crime. Magkasama itong pinanguluhan nina Guo Shengkun, Kasangguni ng Estado ng Tsina, Loretta Lynch, Secretary ng US Justice Department, at Jeh Charles Johnson, Secretary ng US Homeland Security.
Tinukoy ni Guo na pumasok na sa bagong yugto ang pagtutulungan ng Tsina at Amerika sa cyber security; kaya, dapat mapahigpit ang pragmatikong pagtutulungan at pagtitiwalaan para malutas ang mga aktuwal na problema. Samantala, umaasa aniya siyang mapapahigpit ng dalawang panig ang mekanismong pandiyalogo, pahahalagahan ang kani-kanilang pagkabahala, at magsasagawa ng konstruktibong pamamahala at pagkontrol sa mga pagkakaiba.
Ipinahayag naman nina Lynch at Johnson na bilang dalawang pinakamalaking ekomoniya sa daigdig, may komong interes ang Tsina at Amerika sa larangan ng cyber security. Inaasahan aniyang mapapahigpit ng dalawang panig ang pagpapalitan ng impormasyon para labanan ang cyber crime.