Ipinahayag kahapon sa Kuala Lumpur, Malaysia, ni He Yafei, Pangalawang Puno ng China Overseas Exchanges Association, na umaasa siyang sasamantalahin ng mga overseas at ethnic Chinese sa bansang ito ang pagkakataon para aktibong lumahok sa "Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road" o "One Belt One Road" initiative at kooperasyon sa kabuhayang panrehiyon.
Ito aniya ay para pasulungin ang mapagkaibigang kooperasyon ng Tsina at Malaysia sa pulitika, kabuhayan, at kultura.
Winika ito ni He habang nakikipagtagpo sa mga kinatawan ng mga samahang Tsino sa lokalidad.