Ngayong hapon (local time), magkasamang nakipagharap sa mga mamamahayag sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Najib Razak ng Malaysia.
Ipinahayag ni Premyer Li na malalim ang pagkakaibigan ng mga mamamayang Tsino at Malay, mahigpit ang pagdadalawan sa mataas na antas ng dalawang bansa, walang humpay na lumalakas ang pagtitiwalaang pulitikal, at malawak ang prospek ng kooperasyon ng dalawang bansa. Nakahanda aniya ang panig Tsino na makilahok sa konstruksyon ng imprastruktura ng Malaysia, at hikayatin ang pagpapalawak ng pamumuhunan ng mga bahay-kalakal ng dalawang bansa sa isa't-sa, at ibayo pang palakasin ang kooperasyong Sino-Malay sa mga larangang gaya ng kalakalan, pinansya, dagat, edukasyon, at suliraning pandepensa.
Ipinahayag pa niya ang pag-asang magkasamang magsisikap ang dalawang panig para maigarantiya ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Najib na sapul nang maitatag ang komprehensibong estratehikong partnership ng Malaysia at Tsina, natamo ng kanilang bilateral na relasyon ang napakalaking progreso. Aniya, ang kasalukuyang relasyong Malay-Sino ay nasa pinakamainam na panahon sa kasaysayan, at ikinasisiya ng kanyang bansa ang kasalukuyang kalagayan ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng