|
||||||||
|
||
Si Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina
Kaugnay ng Summit ng Forum on China-Africa Cooperation na idaraos mula ika-4 hanggang ika-5 ng susunod na buwan, sa Johannesburg, Timog Aprika, sinabi noong Huwebes sa Beijing ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, na ito ay magiging mahalagang pangyayari sa relasyong Sino-Aprikano.
Ayon kay Wang, sa naturang summit, tatalakayin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, kasama ng mga lider ng iba't ibang bansang Aprikano, ang hinggil sa pagpapataas sa bagong lebel ng relasyong Sino-Aprikano, at pagpapalalim ng kanilang pragmatikong kooperasyon.
Kaugnay ng tema ng naturang summit na "Africa-China Progressing Together: Win-Win Cooperation for Common Development," sinabi ni Wang na may mutuwal na kapakinabangan ang kooperasyong Sino-Aprikano. Aniya, ang target ng panig Tsino sa kooperasyong ito ay hindi unilateral na pagtatamo ng pakinabang, kundi pagsasakatuparan ng sustenableng pag-unlad sa Aprika.
Ani Wang, sa kasalukuyang summit, ihaharap ng Tsina ang mga bagong hakbangin hinggil sa pagbibigay-tulong sa mga bansang Aprikano sa mga aspekto ng industrialisasyon, food security, at public health. Dagdag pa niya, ang pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, pagbabawas ng kahirapan, at pagbibigay-tulong sa mga babae at bata, ay priyoridad din ng summit.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |