Sa okasyon ng ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng Demokratikong Republikang Bayan ng Laos, nagpadala kamakalawa ng mensaheng pambati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Pangulong Chummaly Sayasone ng Laos.
Ipinahayag ni Pangulong Xi na positibo ang Tsina sa natamong bunga ng Laos sa sosyalistang konstruksyon at reporma, batay sa walang tigil na pagsisikap ng mga mamamayang Laotian, nitong 40 taong nakararaan. Aniya, taos-pusong umaasa ang Tsina na matatamo ng Laos ang mas maraming tagumpay sa hinaharap, at maitatatag ang masagana, malakas, maharmonya at demokratikong estado, batay sa pamumuno ng naghaharing partido at pamahalaan.
Idinagdag ng Pangulong Tsino na kasalukuyang nananatiling pinakamaganda ang relasyong Sino-Laotian sa kasaysayan. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Laos para pasulungin ang estratehikong partnership sa ibat-ibang larangan, at pangalagaan ang katatagan at kaunlaran ng rehiyon at daigdig.