Nilagdaan kahapon ng mga pamahalaan ng Tsina at Thailand ang balangkas na dokumento hinggil sa kooperasyon sa daambakal. Ito ay magiging patnubay sa isang proyektong pangkooperasyon sa daambakal ng dalawang bansa, na sisimulan sa loob ng buwang ito.
Ayon sa dokumento, isasagawa ang nasabing proyekto sa porma ng "engineering, procurement, at construction." Itatatag din ang joint venture para magkaroon ng pamumuhunan sa proyekto at patakbuin ang daambakal. Ipagkakaloob din ng Tsina sa Thailand ang tulong sa mga aspekto ng teknolohiya, yamang-tao, pondo, at iba pa.
Salin: Liu Kai