|
||||||||
|
||
Shanghai, Tsina—Binuksan nitong Linggo, Disyembre 6, 2015 ang Ika-10 Confucius Institute Conference. Kalahok dito ang 2,300 tauhan na kinabibilangan ng mga kinatawan mula sa mga Confucius Institute at mga tagapagtaguyod na pamantasan sa apat na sulok ng daigdig.
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, hinimok ni Liu Yandong, Pangalawang Premyer ng Tsina ang mga Confucius Institute na maging ibayo pang inobatibo para maging tulay ng komunikasyon at pagkakaibigan sa pagitan ng mga Tsino at dayuhan. Hiniling din niya sa nasabing mga insitituto na patuloy na repormahin ang sarili para mag-localize at matugunan ang pangangailangan ng mga dayuhan sa pag-aaral hinggil sa wika at kulturang Tsino.
Sa pagsunod sa yapak ng Alemanya at Britanya, itinatag ng Tsina ang unang Confucius Institute noong 2004. Ang mga instituto ay ipinangalan sa kilalang Chinese philosopher at educator na si Confucius. Sa pagtataguyod ng mga pamantasang dayuhan, ang mga Confucius Institute ay nagsisilbi bilang non-profit public institutions para tulungan ang mga dayuhan na maunawaan ang hinggil sa Tsina sa pamamagitan ng pag-aaral ng wika at kulturang Tsino.
Sa kasalukuyan, 1.9 milyong dayuhan ay nag-aaral sa kabuuang 500 Confucius Institutes at 1,000 Confucius Classrooms ang itinatag sa 134 na bansa at rehiyon.
Ang mga Confucius institutes ay kadalasang nakapartner sa mga lokal na pamantasan at kolehiyo. Samantala, ang mga Confucius Classrooms ay nagpo-focus sa primary, middle at high schools.
May tatlong Confucius Institute sa Pilipinas. Kabilang dito ay Confucius Institute sa Ateneo de Confucius Institute, Maynila; Confucius Institute sa Bulacan State University, Malolos, Bulacan; at Confucius Insititute sa Angeles University Foundation sa Angeles, Pampanga.
Isang estudyanteng Serbian, individual group winner ng 8th Chinese Bridge Chinese Proficiency Competition for Foreign Secondary School Students habang lumalahok sa 10th Confucius Institute Conference, Shanghai, east China, Dec. 6, 2015. (Xinhua/Liu Ying)
Si President Roseann O'Reilly Runte ng Carleton University ng Kanada habang nagtatalumpati sa seremonya ng pagbubukas ng 10th Confucius Institute Conference, Shanghai, east China, Dec. 6, 2015. (Xinhua/Liu Ying)
Group photo ng mga kalahok na kinabibilangan ni Vice Premier Liu Yandong (gitna, harapan, naka-blue) sa 10th Confucius Institute Conference, Shanghai, east China, Dec. 6, 2015. (Xinhua/Liu Ying)
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |