Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Konstruktibong atityud, kailangan pa para matiyak ang pandaigdig na kasunduan bilang tugon sa pagbabago ng klima: Xinhua analysis

(GMT+08:00) 2015-12-07 18:07:07       CRI

Paris, Pransya--Pagkaraan ng isang linggong intensibong talakayan, isinumite ng mga negosyador mula sa halos 200 bansa na kalahok sa Ika-21 Taunang Conference of the Parties (COP21) ng 1992 United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC) ang final draft ng bagong kasunduan bilang tugon sa pagbabago ng klima.

Nitong nagdaang linggo, kinakitaan ng komong hangarin ang mga kalahok sa pagtugon sa pagbabago ng klima. Pero, mas konstruktibong atityud ay kakailanganin pa para malutas ang pagkakaiba at marating ang komprehensibo, balanse, ambisyoso, at legally binding na kasunduan bilang patnubay patungong low-emission future ng daigdig, bago matapos ang COP21 sa ika-11 ng Disyembre, 2015.

Finance at differentiation, dalawang pangunahing pagkakaiba

Kaugnay ng finance, ayaw ng mga maunlad na bansa na dagdagan pa ang suportang pinansyal sa mga umuunlad na bansa pagkaraan ng 2020. Noong 2009, ipinangako ng mga maunlad na bansa na ibigay sa mga umuunlad na bansa ang 100 bilyong dolyares na tulong na pinansyal bawat taon hanggang 2020. Ayon sa tinatalakay na Paris Agreement, hinimok ang mga maunlad na bansa na dagdagan ang kanilang tulong na salapi sa mga umuunlad na bansa batay sa nasabing taunang 100 bilyong dolyares na lebel.

Bukod dito, hindi pa nagkakasundo ang iba't ibang kalahok hinggil sa prinsipyong komon pero may pagkakaibang responsibilidad sa pagitan ng mga umuunlad at maunlad na bansa.

Sa magkakahiwalay na okasyon, hiniling ni Laurent Fabius, French Foreign Minister at Chair ng COP21 sa mga kalahok na magkaroon ng ispirito ng kompromiso para marating ang nasabing komprehensibong kasunduan. Ipinagdiinan niyang hindi lamang ang kapaligiran ang pinag-uusapan ng mga kalahok, ang paksa ay lampas sa klima, at ito ang buhay.

Problema at pagsisikap ng Tsina

Ang polusyon ay nagiging pangunahing alalahanin ng pamahalaan at sambayanang Tsino, lalo na sa kasalukuyang taglamig, muli na namang nangingibabaw ang smog sa Beijing at mga karatig na lugar.

Ipinagdiinan ni Du Xiangwan, Direktor ng COP 21 China Expert Panel on Climate Change, hindi na isasakripisyo ng Tsina ang kapaligiran para maisakatuparan ang pag-unlad ng kabuhayan.

Idinagdag pa niyang natuto na ang Tsina mula sa Hapon at mga bansang Europeo na ang carbon-intensive development ay hindi siyang tanging paraan patungong modernisasyon.

Balak ng Tsina na sundan ang European Union Emissions Trading System (EU ETS) at ipapatupad ito sa 2017. Ang ETS na nababatay sa "cap and trade" principle, ay pangunahing patakaran at paraan ng EU para mabawasan ang emisyon ng greenhouse gas. Ang cap o limit, ay itinakda sa kabuuang bolyum ng mga greenhouse gas na ibinubuga ng mga pabrika, power plants, at iba pa. Mababawasan ang cap sa paglipas ng panahon kaya bababa rin ang kabuuang emisyon.

Sa panahon ng COP21, nilagdaan din ng Tsinghua University, University of California at Berkeley, at Lawrence Berkeley National Laboratory ang Memorandum of Understanding hinggil sa magkakasamang pagsisikap sa pananaliksik sa malinis na enerhiya.

Ini-adopt na ng pamahalaang Tsino ang mga patakaran ng pag-unlad na nagtatampok sa katamtamang bilis at kalidad. Sa babalangkasing Pambansang Panlimahang Taong Plano(2016-2020), nakahanda rin ang Tsina na pasulungin ang mas sustenable at balanseng pag-unlad ng kabuhayan na nagtatampok sa low-carbon, green energy at pagtitipid sa enerhiya.

Kasabay nito, naisumite ng Tsina ang sarili nitong "Intended Nationally Determined Contribution" (INDC), kasama ng iba pang mahigit 150 miyembro ng UNFCCC. Batay rito, sa 2030, mababawasan ng Tsina ng 60-65% ang dioxide emissions per unit ng gross domestic product (GDP) ng bansa kumpara sa emisyon noong 2005.

Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade

Tagapagpulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>