|
||||||||
|
||
Dumating nang araw ring iyon ng Paris, si Pangulong Xi para dumalo sa seremonya ng pagbubukas ng United Nations Climate Change Conference.
Ang Ika-21 Taunang Conference of the Parties (COP21) ng 1992 United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC), ay idinaraos mula ika-29 ng Nobyembre hanggang ika-11 ng Disyembre.
Sina Pangulong Xi (kaliwa) at Pangulong Hollande (kanan) sa Paris, Pransya (Photo credit: Xinhua)
Magkasanib na Pahayag sa Pagbabago ng Klima
Sa katatapos na opisyal na pagdalaw ni Pangulong Hollande sa Tsina noong unang dako ng Nobyembre, ipinalabas niya, kasama ni Pangulong Xi ang Magkasanib na Pahayag sa Pagbabago ng Klima.
Ayon sa nasabing Pahayag, nangako ang Tsina at Pransya na magpursige, kasama ng ibang mga lider para marating ang Kasunduan ng COP21 na nagtatampok sa low-carbon at sustenableng pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig, batay sa prinsipyong komon pero may pagkakaibang responsibilidad sa pagitan ng mga umuunlad at maunlad na bansa.
Ipinahayag ni Pangulong Xi ang paghanga sa ginagawang pagsisikap ng Pransya para sa COP21. Sinabi naman ni Hollande na ang paglahok ni Pangulong Xi sa Komperensiya ay nagpapakita ng suporta ng Tsina para marating ng COP21 ang Kasunduan ayon sa iskedyul.
Relasyong Sino-Pranses
Muling ipinahayag ni Xi ang pakikidalamhati sa mga biktima ng pamamaril at pambobomba na naganap kamakailan sa Paris.
Ipinangako rin ng dalawang pangulo na buong-tatag na tutupdin ang kanilang mga napagkasunduan sa katatapos na biyahe ni Hollande sa Tsina para mapasulong ang pagtutulungan sa pamumuhunan, kalakalan, kabuhayan, enerhiyang nuklear, at people-to-people exchanges.
Ipinahayag din ni Hollande ang suporta sa Tsina sa pagtataguyod ng 2016 G20 Summit sa Hangzhou, siyudad sa dakong silangan ng Tsina.
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |