Ipinahayag kahapon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na idaraos ang ika-14 na Prime Ministers' Meeting ng Shanghai Cooperation Organization(SCO), mula ika-14 hanggang ika-15 ng buwang ito, sa Zhengzhou, kabisera ng lalawigang Henan, Tsina.
Sinabi ni Hua na dadalo sa pulong ang mga lider mula sa mga miyembro ng SCO na kinabibilangan ng Tsina, Kazakhstan, Kyrgyzstan, Rusya, Uzbekistan, Tajikistan, anim na bansang tagamasid ng SCO, na gaya ng Afghanistan, Belarus, India, Iran, Mongolia at Pakistan, at mga kinatawan mula sa mga organisasyong pandaigdig, kabilang dito ang UN Economic and Social Commission for Asia and Pacific(UNESCAP), ASEAN, at Conference on Interaction and Confidence Building Measures in Asia, at iba pa.
Ipinahayag ni Hua na tatalakayin sa pulong, pangunahin na ang hinggil sa bagong hakbangin para pasulungin ang pagtutulungan ng SCO sa ibat-ibang larangan at pagtiyak sa priyoridad na larangang pangkooeprasyon ng rehiyon, batay sa balangkas ng inisyatibo ng Silk Road Economic Belt.