Sa pagtataguyod ng ASEAN-China Center (ACC) at Ministri ng Turismo ng Malaysia, idinaos kamakailan sa Kuala Lumpur ang isang seminar hinggil sa pamilihang panturismo ng Tsina.
Ipinahayag ng panig Malaysiyano ang pag-asang, sa pamamagitan ng seminar na ito, ibayo pang pag-aaralan ang hinggil sa pamilihang panturismo ng Tsina at kaugalian sa konsumpsyon ng mga turistang Tsino na naglalakbay sa ibang bansa. Ito anito ay para pataasin ang kalidad ng serbisyo ng industriyang panturismo ng Malaysia, at makaakit sa mas maraming turistang Tsino.
Ipinahayag naman ng ACC, na sa hinaharap, itataguyod nito ang mga ganitong seminar sa iba't ibang bansang ASEAN, para
mas malaman nila ang pamilihang panturismo ng Tsina, at mas paunlarin ang industriyang panturismo sa mga bansang ito.
Salin: Liu Kai