TINANGGAP ng Commission on Elections ang certificate of candidacy ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa likod ng mga isyu kung legal ba ang kanyang paghalili bilang kandidato sa pagkapangulo ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan sa darating na halalan sa 2016.
Ayon kay Chairman Andres Bautista, nagdesisyon ang Commission on Elections sa botong anim laban sa isa, na idagdag ang mabokadorang alkalde sa talaan ng mga kandidato.
Niliwanag din ni Atty. Bautista na ang resolusyon ay walang anumang koneksyon sa disqualification case na ipinarating ni Ruben Castor, isang brodkaster. Tinaggap umano nila ang dokumento ni G. Duterte mula sa isang administrative point of view at bilang bahagi ng kanilang gawaing administratibo.
May poder pa rin ang First Division ng Comelec na alisin ang pangalan ng alkalde sa talaan ng mga kandidato sa pagka-pangulo.