|
||||||||
|
||
Phnom Penh, Cambodia--Idinaos nitong Huwebes, Disyembre 17, 2015, sa Preah Ket Mealea Hospital (PKMH), isang military hospital at pinakamalaking ospital ng Cambodia ang seremonya ng paglilipat ng mga kagamitang medikal na inabuloy ng Tsina.
Sa seremonya ng paglilipat, sinabi ni Tea Banh, Pangalawang Punong Ministro at Ministro ng Tanggulang-bansa ng Cambodia na ang nasabing mga makabagong kagamitang medikal ay makakatulong sa pagpapabuti ng serbisyo ng PKMH sa mga sundalo at sibilyang Kambodyano.
Ipinahayag naman ni Bu Jianguo, Embahador ng Tsina sa Cambodia ang kahandaan ng Tsina na patuloy na tutulungan ang nabanggit na ospital sa larangang teknikal at materyal. Umaasa aniya siyang sa pamamagitan ng magkasamang pagsisikap ng Tsina at Cambodia, maitatatag ang PKMH bilang primera klaseng ospital para mas mabuting paglingkuran ang mga mamamayang lokal.
Sina Amba. Bu Jianguo (sa kaliwa) at Cambodian Defense Minister Tea Banh (sa kanan), kasama ng mga opisyal sa seremonya ng paglilipat
Si Amba. Bu, kasama ng mga opisyal na Tsino at Kambodiyano habang nag-iinspeksyon sa kagamitang medikal na ipinagkaloob ng Tsina sa Cambodia
Isa sa mga kagamitang medikal na inabuloy ng Tsina sa Cambodia
Ayon sa kasunduan ng Tsina at Kambodya, noong 2001, nagsimula nang magkaloob ng tulong ang Tsina sa PKMH. Hanggang sa kasalukuyan, 10 grupong medikal na ang naipadala ng Tsina sa nasabing ospital para ipagkaloob ang tulong na teknikal at sanayin ang mga tauhang medikal sa lokalidad.
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |