Ayon sa pahayagang "Vietnam Investment Report," sapul nang sumapi ang Biyetnam sa World Trade Organization (WTO), lumaki ng 51.4% ang mga sangay ng mga bangkong pinatatakbo ng pondong dayuhan sa bansa. Pagkaraang maitatag ngayong taon ang ASEAN Economic Community (AEC), ibayo pang pabibilisin ng naturang mga bangko ang pagpasok sa Biyetnam.
Sapul nang pumasok ang taong ito, magkasunod na itinatag ng Kasikornbank ng Thailand ang tanggapan sa Hanoi at Ho Chi Minh City; itinatag din ng Public Bank Berhad ng Malaysia ang sangay sa naturang bansa.
Ayon sa ulat, sa kasalukuyan, nananatili pa ring maliit ang proporsisyon ng mga bangkong pinatatakbo ng pondong dayuhan sa pamilihang Biyetnames. Dahil sapat ang pondo ng ganitong mga bangko, mayaman at mataas ang kalidad ng mga produkto, at propesyonal ang kanilang pamamahala. Sa loob ng darating na ilang taon, walang humpay na lalawak ang nasabing proporsisyon.
Salin: Li Feng