Ayon sa ulat kamakailan ng pahayagang "Oriental Daily" ng Malaysia, nagpulong kamakailan ang Konseho ng Patakarang Pansalapi ng Bangko Sentral ng Malaysia, kung saan ipinasiyang panatilihin sa 3.25% ang Overnight Policy Rate.
Kaugnay ng kasalukuyang pagbaba ng exchange rate ng Malaysian Ringgit, ipinahayag ng naturang bangko na may sapat na sirkulasyon ng kapital ang sistemang pinansyal ng Malaysia, bagay na naggarantiya sa maayos na pagbabagu-bago ng pamilihan ng pinansya at foreign exchange, at katatagan ng lebel ng kapital ng mga organong pinansiyal sa loob ng bansa. May kakayahan itong kumatig sa paglago ng kabuhayan, at pigilin ang mga negatibong impakt panlabas, anito pa.
Salin: Vera