Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tulong ng pamahalaan, huwag naman sanang pabalat-bunga

(GMT+08:00) 2015-12-25 20:04:38       CRI

PANGULONG AQUINO, NAMAHAGI NG RELIEF GOODS.  Naghatid ng tulen si Pangulong Aquino sa mga biktima ng bagyo sa Morente Elementary School sa Pinamalayan, Oriental Mindoro.  Nakasama Aniya si Governor Rey Umali ng Mindoro Oriental.  (Ezequiel Supera/Malacanang Photo Bureau)

NANAWAGAN si Fr. Edu Gariguez, executive secretary ng National Secretariat of Social Action na sana'y huwag namang pabalat-bunga lamang ang itutulong sa mga nasalanta ng bagyong "Nona" at "Onyok."

Nagpapasalamat siya sa pangulo sa madaliang pagtugon sa pangangailangan ng mga biktima ng magkasunod na bagyo kasabay ng pag-asang huwag naman sanang pabalat-bunga lamang ang tulong na maipararating.

Idinagdag pa ni Fr. Gariguez na kailangang makamtan ang lahat ng tulong mula sa pamahalaan at pandaigdigang humanitarian community lalo na ngayong kapaskuhan.

PAARALANG BAYAN, NAPINSALA NG BAGYO.  Makikita sa larawan ang paaralang bayang hindi na mapakikinabangan sa pinsalang dulot ng bagyong "Nona" sa Pinamalayan, Oriental Mindoro.  (Fr. Edu Gariguez/NASSA)

Naglunsad na ang NASSA ng sariling kampanya sa 61 diyosesis sa buong bansa at umaasang makabubuo ng dagdag na pondo para sa mga biktima.

Una nang naglabas ang NASSA/Caritas Philippines ng halagang P1.89 milyon sa pamamagitan ng "Alay Kapwa" para sa mga biktima sa Oriental Mindoro, Northern Samar, Sorsogon, Masbate at Romblon.

KAHIT MGA PUNONGKAHOY AY NAPINSALA RIN.  Malakas ang hagupit ni "Nona" sa Oriental Mindoro ayon sa kuhang larawang ito ni Fr. Edu Gariguez ng CBCP/NASSA).  (Contributed Photo)

Unang tumugon ang Caritas Manila, Archdiocese of Capiz, Archdiocese of Palo, Diocese of Calbayog at Diocese of Tagbilaran.

Tumugon na rin ang Catholic Relief Services na nagbigay ng shelter at tool kits para sa Northern Samar at Caritas Luxemburg na nangakong magbibigay ng Euros 7,000 o P 350,000.

Dumalaw na rin kamakalawa si Pangulong Aquino sa Pinamalayan sa Oriental Mindoro at sa Laoang, Northern Samar na tinamaan ni "Nona".

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>