NAMAYAPA na si Gng. Letty Jimenez Magsanog, ang punong patnugot ng Philippine Daily Inquirer sa St. Luke's Medical Center, Global City kahapon.
Si Gng. Magsanoc ay isa sa mga nagtatag ng pahayag, ang pangalang sa kanya nagmula,. Sa paglulunsad nito noong ika-9 ng Disyembre 1985, ito ang isa sa napadagdag sa tinaguriang mosquito press na nagtatangkang ilabas ang mga nagaganap sa ilalim ng Marcos regime.
Kakaiba umano ang pamamalakad ni Gng. Magsanoc sa pahayagan. Naglingkod siya bilang associate publisher at unang patnugot ng Sunday inquirer Magazine, hinirang siyang editor-in-chief ng Inquirer noong ika-14 ng Hunyo 1991.
Naging responsable siya sa coverage ng kanyang pahayagan sa walong pambansang halalan, limang pangulo, at apat na impeachment crisis.
Wala pang impormasyon hinggil sa magiging libing sa yumaong patnugot.