Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bagong budget, pang halalan, puno ng lump sums at pork barrel

(GMT+08:00) 2015-12-25 20:04:38       CRI

NANINIWALA si dating Pambansang Ingat-yaman Prof. Leonor Magtolis Briones, isa sa mga nasa likod ng Social Watch Philippines na ang 2016 General Appropriations Act na nagkakahalga ng P 2.139 trilyon na nilagdaan ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ay puno ng pork barrel at lump sum appropriations.

Samantalang ang National Expenditure Program na nagkakahalaga ng higit sa P 3 trilyon, higit sa P 930 bilyon ang automatic appropriations samantalang ang special purpose funds ay nagkakahalaga ng P 408 bilyon at ang unprogrammed funds ay mayroong P 67.5 bilyon.

Tulad ng kasalukuyang 2015 General Appropriations Act, higit na pinalalakas ng 2016 GAA ang panibagong kahulugan ng savings at nagbibigay ng autorisasyon na maglipat ng pondong tulad ng DAP na naideklarang taliwas sa Saligang Batas ng Korte Suprema.

Idinagdag pa niyang tulad ng nakalipas na mga halalan, naipasok ang maliliit na infrastructure projects sa 2016 budget at kinikilala at inilalaan ng mga mambabatas sa paghahanda ng budget na nagkakahalaga ng malaki sa public works. May7 dagdag na insertions mula sa dalawang kapulungan ng Kongreso at maging sa Bicameral Conference Committee. Ang halimbawa ay ang farm-to-market roads na kinilala ng mga mambabatas na nagsasabing sila ang may kagagawan sa kanilang pangangampanya.

Inihalimbawa niya ang may P326 milyong dagdag sa Farm-to-Market Road Projects sa ilalim ng Department of Agriculture at umabot sa P7.377 bilyon mula sa P7.051 bilyon sa National Expenditure Program.

Halimbawa pa rin ang P987.930 milyon dagdag sa Assistance to Indigent Patients sa ilalim ng Department of Health-Office of the Secretary na umabot sa P2.783 bilyon mula sa P 1.795 bilyon sa National Expenditure Program.

Halimbawa rin ang P 2.54 na dagdag para sa Government Internship Program at Tulong Pangkabuhayan sa Ating Disadvantaged Workers Project sa ilalim ng Department of Labor and Employment-Office of the Secretary na umabot sa P 3.267 bilyon mula sa P727.3 milyon sa national Expenditure Program.

Idinagdag pa rin ni Professor Briones ang P 403 milyong dagdag sa Training for Work Scholarship Program na umabot sa P2.206 bilyon mula sa P2.203 bilyon sa National Expenditure Program.

Marami pa umanong tanggapan ng pamahalaan ang nagkaroon ng dagdag na budget sa ilalim ng kakaibang iskema. Napuna na ng Social Watch Philippines ang halagang P33.2 bilyon napunta sa pondong maihahalintulad sa PDAF na ipinamahagi sa limang ahensya.

Bahala na umano ang media, civil society organizations at maging mga karaniwang mga mamamayang magbantay sa kakaibang iskema upang matiyak na huwag nang magamit sa maling paraan ang salapi ng bayan, dagdag pa ni Prof. Briones sa kanyang pahayag.

Makikita ang mga lay minister na hawak ang imagen ng Banal na Sanggol na pinahahalikan sa mga mananampalataya pagkatapos ng Misa. Isang tradisyon tong kinagisnan ng mga Filipino sa paglipas ng lang daang taon.

Umaasa silang masusuportahan ng Pamahalaang Pambansa ng Pilipinas ang kanilang mga napipintong paglahok sa mga pandaigdigang pagtitipon.

Samantala, abala sila sa pagbibigay ng buhay sa mga pagdiriwang sa Simbahan ni San Bartolomeo sa Baao, Camarines Sur ngayong Kapaskuhan.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>