KASAMA ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang kanyang pamilya sa Malacanang sa pagdiriwang ng Pasko.
Isang larawan ang inilabas ng kanyang kapatid, ang aktres na si Kris Aquino sa Instagram na katatagpuan ng kanyang mga kapatid, kanilang mga pamilya at mga pamangkin sa pagdiriwang ng tradisyunal na Noche Buena.
Kasama ng pangulo ang kanyang mga kapatid na sina Ballsy Cruz, Pinky Abellada at Viel Dee.
Ito na ang huling pagdiriwang ng pangulo at ng kanyang pamilya sa Malacanang sapagkat magtatapos na ang kanyang tungkulin sa ika-30 ng Hunyo ng susunod na taon.