Ayon sa mass media ng Turkey noong Sabado, Disyembre 26, 2015, idineklara ng Kurdistan Freedom Hawks (TAK) ang paglilikha ng insidente ng pagsabog sa Istanbul Sabiha Gokcen International Airport na naganap nitong Miyerkules, Disyembre 23.
Nitong ilang taong nakalipas, maraming beses na nagpahayag ang TAK na lumikha ng mga insidente ng pagsabog sa iba't-ibang lugar ng Turkey. Inilagay na ng Turkey at Amerika ang organisasyong ito sa listahan ng mga teroristikong organisasyon.
Noong ika-23 ng kasalukuyang buwan, naganap sa nasabing paliparan ng Turkey ang isang insidente ng pagsabog na ikinamatay ng isang katao, at ikinasugat ng isa pa.
Salin: Li Feng