Ayon sa Xinhua News Agency, ipinahayag noong Miyerkules, Disyembre 30, 2015, ni Arief Yahya, Ministro ng Turismo ng Indonesia, ang pag-asang maaakit ng kanyang bansa ang 12 milyong dayuhang turista sa taong 2016. Aniya, upang maisakatuparan ang target na ito, palalakasin ng kanyang ministri ang pagpapalaganap ng turismong Indones sa ibayong dagat.
Sa isang taunang preskong idinaos nang araw ring iyon, ipinahayag niya na sa kasalukuyang taon, mahigit 10 milyong dayuhang turista ang pumunta sa Indonesia. Ito ay mas malaki ng 5.81% kumpara sa taong 2014.
Nauna rito, ipinahayag niya na ang Tsina ay ika-3 pinakamalaking bansang pinanggagalingan ng mga dayuhang turista ng Indonesia, na sumusunod lamang ng Singapore at Malaysia.
Salin: Li Feng