Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ika-119 Taong Kabayanihan ni Jose Rizal, ipinagdiwang sa Beijing

(GMT+08:00) 2015-12-31 15:35:51       CRI
Beijing, Tsina - Sa pamamagitan ng pag-aalay ng mga bulaklak sa paanan ng rebulto ng pinakadakilang bayaning Pilipino na si Dr. Jose P. Rizal (Pepe), pinangunahan, Miyerkules ng umaga, Disyembre 30, 2015 ni Erlinda F. Basilio, Embahador ng Pilipinas sa Tsina, ang seremonya ng paggunita sa Ika-119 na Anibersaryo ng Pagkamartir ni Rizal.

Sina Ambassador Basilio (kaliwa) at Deputy Chief of Mission, Evangeline Ducrocq (kanan) makaraang mag-alay ng mga bulaklak sa paanan ng rebulto ni Dr. Jose Rizal

Sa kanyang talumpati sa Sentro Rizal sa Embahada ng Pilipinas sa Beijing, sinabi ni Basilio, na sa araw na ito, hindi lamang mga embahada at konsulada ng Pilipinas sa buong mundo ang nagdaraos ng pagpupugay, kundi, maging sa Pilipinas, magkakasunod din ang mga seremonya para gunitain ang kabayanihan at sakripisyo ni Rizal para sa kalayaan ng Pilipinas.

Si Amba. Basilio habang nagtatalumpati

Sa Kabataang Pilipino, binasa

Bilang bahagi ng nasabing pagdiriwang, binasa ng mga piling panauhin at mga taga-Embahada ng Pilipinas ang ilang linya mula sa award-winning na tula ni Pepe na pinamagatang "Sa Kabataang Pilipino" o "A La Juventud Filipina" sa wikang Espanyol.

 

Si Yin Ziyou, estudyante ng Peking University Philippines Studies Program habang nagbabasa ng ilang linya ng tula ni Rizal

Si Mac Ramos, Reporter ng CRI Filipino Service habang nagbabasa ng ilang linya ng tula ni Rizal

Si Victoriano Leviste, Agricultural Counselor ng Pasuguan habang habang nagbabasa ng ilang linya ng tula ni Rizal

Si Ivan Frank Olea, Minister Consul ng Pasuguan habang nagbabasa ng ilang linya ng tula ni Rizal

Ang tulang ito ay isinulat ni Pepe noong siya ay 18 taong gulang pa lamang at estudyante ng University of Santo Tomas, at nagpapakita ng kanyang pambihirang pagmamahal sa Inang Bayan.

Pagkatapos ng pagbabasa, isinulat-kamay ng mga nasabing piling-panauhin ang mga linya ng tula sa espesyal na scroll, upang maging bahagi ng archives ng Sentro Rizal.

Si Amba. Basilio habang isinusulat sa special scroll ang ilang linya ng tula ni Rizal

Si Arlyne Marasigan, PhD Candidate, Beijing Normal University habang isinusulat sa special scroll ang ilang linya ng tula ni Rizal

Si Col. Nestor Herico, Defense Attache habang isinusulat sa special scroll ang ilang linya ng tula ni Rizal

Si Ma. Luis de Guzman, Second Secretary ng Pasuguan habang isinusulat sa special scroll ang ilang linya ng tula ni Rizal

Sentro Rizal Beijing

Ani Basilio, sa ika-154 na kaarawan ni Pepe noong June 19, 2015, pormal na binuksan ng Embahada ng Pilipinas sa Beijing ang Sentro Rizal, repositoryo ng impormasyon at yamang pangkultura ng Pilipinas sa Tsina.

Dagdag pa ng embahador, mula nang binuksan ito, idinaos sa Sentro Rizal ang mga art exhibit, pagtatanghal na pangkultura, poetry reading, film showing, at marami pang iba.

"Sa hinaharap, ang Sentro Rizal ay nais nating maging venue ng mga aktibidad pangkultura, tulad ng pagtatanghal ng mga grupong Pilipino, film screening, kursong pangwika, leksyon sa pagluluto ng pagkaing Pilipino, at marami pang iba," sabi ni Basilio.

Sa pamamagitan ng Sentro Rizal, nais ng embahador Pilipino na ibahagi ang mayamang kultura at kasaysayan ng mga Pilipino sa mga kaibigang Tsino, upang mapagyaman ang pagkaunawa at pagtanggap ng mga ito sa sining, kultura, at kasaysayan ng Pilipinas.

Aniya pa, ang Sentro Rizal ay isa ring sentro ng edukasyon at impormasyon, kung saan, maaaring makita, pag-aralan, at mabuting maunawaan ng mga Pilipino at estudyanteng Pilipinong nasa Tsina ang sarili nilang kultura.

Rizal, gawing huwaran

Pinayuhan din ng embahador ang lahat ng mga Pilipinong dumalo na laging magpunyagi upang sundan ang mga halimbawang ipinakita ni Pepe na tulad ng katapangan, kahusayan, pagkakaroon ng matibay na pananalig, at pagtanggap sa responsibilidad bilang mga Pilipino upang mamuhay na may integridad at giting.

"Sa pamamagitan nito, tunay nating mabibigyang karangalan ang ating mga bayaning tulad ni Dr. Jose Rizal," ani Basilio.

Ayon sa National Cultural Heritage Act of 2009, kailangan at nararapat itatag ang Sentro Rizal sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at mga sangay nito sa ibat-ibang bansa sa buong mundo.  

Group photo ng mga kalahok sa aktibidad bilang paggunita sa ika-119 na pagkakamartir ni Dr. Jose Rizal sa Philippine Embassy Beijing

//end/

Ulat: Rhio
Edit: Jade/Mac
Larawan: Rhio/Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>