|
||||||||
|
||
Kuala Lumpur—Ipinatalastas ni Ministrong Panlabas Anifah Aman ng Malaysia, bansang tagapangulo ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ang pormal na pagtatatag ng ASEAN Community, makabuluhang muhon o milestone sa kasaysayan ng ASEAN.
Idinagdag ni Anifah na ang dokumentong "ASEAN 2025: Forging Ahead Together" na pinagtibay sa Ika-27 ASEAN Summit, noong nagdaang Nobyembre, ay bumalangkas ng direksyon ng pag-unlad ng ASEAN sa susunod na sampung taon, sa ilalim ng ASEAN Economic Community, ASEAN Political Security Community, ASEAN Socio-Cultural Community, tatlong pillar ng ASEAN Community.
Ipinagdiinan din niyang ang pagkakatatag ng ASEAN Community ay pasimula lamang ng integrasyong panrehiyon.
File photo: Larawang kinunan sa aktibidad na pangkultura sa Bangkok, Thailand, Dec 24, 2015, para salubungin ang pagtatatag ng ASEAN Community (photo credit: Li Mangmang/Xinhua)
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |