Kaugnay ng relasyong Sino-ASEAN sa susunod na taon, ipinahayag kamakailan ng mga ekspertong Tsino ang pag-asang mananatiling matatag ang pag-unlad ng relasyong ito at matatamo ang breakthrough sa ilang aspekto.
Ipinalalagay ni Zhang Yunling, eksperto ng Chinese Academy of Social Sciences, na sa 2016, ang isang pangunahing gawain ng Tsina at ASEAN ay pagpapasulong ng kanilang mga talastasan hinggil sa upgraded version ng ASEAN-China Free Trade Area at Regional Comprehensive Economic Partnership, at isa pa ay pagsasagawa ng mga konkretong proyekto sa balangkas ng Silk Road Economic Belt at 21st-Century Maritime Silk Road o "One Belt One Road" Initiative. Aniya, sa pamamagitan ng mga ito, itatampok ang kooperasyon ng Tsina at ASEAN.
Sinabi naman ni Wei Ling, eksperto ng China Foreign Affairs University, na ang 2016 ay ika-25 anibersaryo ng dialogue partnership ng Tsina at ASEAN. Iminungkahi niyang sasamantalahin ng Tsina at ASEAN ang pagkakataong ito, para ibayo pang palalimin ang kanilang estratehikong pagtitiwalaan sa mataas na antas at sa pagitan din ng mga mamamayan.
Salin: Liu Kai