|
||||||||
|
||
Sa kapipinid na Ika-27 ASEAN Summit, nilagdaan ng mga lider mula sa sampung bansang ASEAN ang Kuala Lumpur Declaration. Ayon sa Deklarasyon, itatatag ang ASEAN Community sa ika-31 ng Disyembre, 2015, ayon sa iskedyul. Pinagtibay rin nila ang dokumentong "ASEAN 2025: Forging Ahead Together" para itakda ang direksyon ng pag-unlad ng ASEAN sa susunod na sampung taon.
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagpipinid, ipinagdiinan ni Punong Ministro Najib Razak ng Malaysia, Bansang Tagapangulo ng ASEAN, na makasaysayan ang pagkakalagda sa nasabing mga dokumento nitong 48 taong nakalipas sapul nang itatag ang ASEAN noong 1967, pero, pasimula lamang ito. Hinimok niya ang mga counterpart na ASEAN na magbuklod sa ilalim ng ASEAN Economic Community, ASEAN Political Security Community, ASEAN Socio-Cultural Community, tatlong pillar ng ASEAN Community, para ganap na maisakatuparan ang integrasyong panrehiyon.
Ang mga lider na ASEAN habang lumalahok sa seremonya ng paglalagda ng 2015 Kuala Lumpur Declaration on the Establishment of the ASEAN Community at dokumentong ASEAN 2025: Forging Ahead Together, noong ika-22 ng Nobyembre, 2015, sa KL, Malaysia. (Xinhua/Chong Voon Chung)
Sina Pangulong Benigno Aquino III (ikalawa sa kaliwa) at Punong Ministro Lee Hsien Loong (una sa kanan) habang lumalagda sa mga dokumento sa KL, Malaysia, noong ika-22 ng Nobyembre, 2015. (Xinhua/Chong Voon Chung)
Tagapagsalin/tagapg-edit: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |