Jakarta, Indonesia—Sinabi dito nitong Miyerkules, Disyembre 30, 2015 ni Arief Yahya, Ministro ng Turismo ng Indonesia, na puspusang pauunlarin ng kanyang bansa ang 10 tourist spots sa susunod na taon, at inalis ang visa para sa mga turista ng 84 na bansa.
Ayon sa estadistika ng Ministri ng Turismo ng Indonesia, noong 2014, 9.44 milyong person-time na turistang dayuhan ang pumasok sa Indonesia. Kabilang dito, 960 libong person-time ang bilang ng mga turistang Tsino, at ito ay katumbas ng 10.2% ng kabuuang bilang ng mga turistang dayuhan. Dagdag pa ni Yahya na mahigit 100 milyong Tsino ang naglalakbay sa ibayong dagat bawat taon, 1% lang sa kanila ang bumisita sa Indonesia. Aniya, napakalaki ng nakatagong lakas ng pamilihan ng mga turistang Tsino sa hinaharap, at umaasa ang Indonesia na aabot sa 2 milyong person-time ang bilang ng mga manlalakbay na Tsino sa taong 2016.
Salin: Vera