Beijing, Tsina—Pinasinayaan nitong Huwebes, Disyembre 31, 2015, ang General Command for the Army ng People's Liberation Army (PLA), PLA Rocket Force at PLA Strategic Support Force.
Sa inaugurasyon, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang pagbuo ng nasabing tatlong forces ay hakbangin para sa modernisasyon ng hukbong Tsino. Si Xi ay nanunungkulan din bilang Pangkalahatang Kalihim ng Communist Party of China (CPC) Central Committee at Tagapangulo ng Central Military Commission (CMC).
Si Li Zuocheng ay hinirang bilang Komander ng PLA Army, at si Liu Lei bilang Political Commissar nito. Si Wei Fenghe ay itinalaga bilang Komander ng LA Rocket Force, at si Wang Jiasheng bilang Political Commissar nito. Si Gao Jin ay hinirang bilang Komander ng PLA Strategic Support Force, at si Liu Fulian bilang Political Commissar nito.
Si Pangulong Xi (kaliwa) ay nagbibigay ng watawat na militar kay Li Zuocheng (kanan, gitna), Commander of the Army ng PLA, at Liu Lei (kanan ni Li), Political Commissar ng PLA Army, sa inaugurasyon ng General Command for the PLA Army, PLA Rocket Force at PLA Strategic Support Force. Larawang kinunan Dec. 31, 2015, (Xinhua/Li Gang).
Tapapagsalin: Jade