Bilang pagdiriwang sa ika-17 anibersaryo ng pagbalik sa inang-bayan ng Hong Kong (HK), binuksan kahapon sa publiko ng Chinese People's Liberation Army (PLA) Garrison sa HK ang Shigang at Xinwei Barracks nito. Mahigit 20 libong taga-HK ang bumisita sa mga kuwartel.
Bukas ay bubukasan din sa publiko ang Angchuanzhou Barracks ng PLA Garrison sa HK.
Sapul nang bumalik sa inang-bayan ang HK noong unang araw ng Hulyo, 1997, bilang taunang pagdiriwang, 26 na ganitong aktibidad ang idinaos ng PLA Garrison sa HK, at mahigit 550 person-time na taga-HK ang bumisita sa mga kuwartel ng PLA sa HK.
Salin: Jade