Ipinalabas kamakailan ng Central Military Commission (CMC) ng Tsina na pinamumunuan ni Pangulong Xi Jinping ang Patnubay sa Pagpapalalim ng Repormang Militar at Pandepensa ng bansa. Si Xi ay nanunungkulan din bilang Tagapangulo ng CMC.
Kabilang sa mga takdang repormang militar sa 2016 ay ang pagbabawas ng tropa hanggang sa 2 milyon mula sa kasalukuyang 2.3 milyon, pagpalit ng mga atrasadong armamento, at pagbabawas ng militia.
Ayon sa Patnubay, pinasinayaan nitong Huwebes, Disyembre 31, 2015, ang General Command for the Army ng People's Liberation Army (PLA), PLA Rocket Force at PLA Strategic Support Force.
Ayon din sa Patnubay, itatatag ang bagong estruktura kung saan ang CMC ay pangunahin na mangangasiwa sa PLA, Chinese People's Armed Police, militia, at reserve forces. Samantala, ang mga battle zone command ay magsasagawa ng combat preparedness, at ang iba't ibang serbisyong militar ay magpapasulong ng pag-unlad ng militar ng bansa.
Tagapagsalin: Jade