Ipinahayag kahapon ni Ali Larijani, Tagapangulo ng Parliamento ng Iran, na patuloy na pasusulungin ng kanyang bansa ang pagdedebelop ng mga missile.
Bukod dito, sinabi niyang palalawakin nito ang nabanggit na plano sa pamamagitan ng pagdaragdag ng budget at pagtitibay ng mga panukala ng laang-gugulin.
Ito aniya ay bilang tugon sa pagpuna ng Amerika sa missile test ng Iran. Bukod dito, balak din ng Amerika ang pagsasagawa ng bagong sangsyong pangkabuhayan sa Iran.
Kaugnay nito, ipinahayag ng Ministring Panlabas ng Iran na ang aksyon ng Amerika ay unilateral, iligal at walang batayan.