Sinabi kahapon ni Mohammad Javad Zarif, Ministrong Panlabas ng Iran, na sinang-ayunan nila ng Unyong Europeo (EU) na panumbalikin ang mekanismo ng diyalogo sa mataas na antas.
Pagkatapos ng kaniyang pakikipag-usap kay Federica Mogherini, Mataas na Kinatawan ng EU sa patakarang panlabas at panseguridad, sinabi ni Zarif na isasagawa muna ng dalawang panig ang diyalogo sa antas ng pangalawang ministro at sa susunod na yugto, isasagawa nila ang diyalogo sa antas ng ministro.
Dagdag pa niya, ang kooperasyon ng dalawang panig ay kinabibilangan ng enerhiya, transportasyon, kalakalan, pangangalaga sa kapaligiran, human rights, pagbibigay-dagok sa droga at pagpupuslit nito.
Sinabi ni Mogherini na ang paglagda sa komprehensibong kasunduan ng isyung nuklear ng Iran ay magpapasulong ng relasyon sa pagitan ng EU at Iran.