|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Pagkaraang ilimbag ang tatlo sa "Four Great Classical Novels" na Tsino sa Malaysia, ipinahayag kahapon sa Kuala Lumpur ni Goh Hin San, Tagapangulo ng Han Culture Centre Malaysia na ang isa pang Great Classical Novels na"A Dream of Red Mansions"ay isinasalin na.

A Dream of Red Mansions(Hongloumeng)
Ang tatlong inilimbag na Great Classical Novels ay "Water Margin(Shuihu Zhuan)" " Romance of the Three Kingdoms(Sanguo Yanyi)", at "Journey to the West(Xiyou Ji)". Kumpara sa nasabing tatlo, ang pagsasalin sa "A Dream of Red Mansions(Hongloumeng)" ay napakahirap. Nitong 5 taong nakalipas, sangkatlong bahagi pa lamang ng nobela ang natapos ng Han Culture Centre Malaysia, at may pag-asang matatapos ito sa loob ng susunod na 3 taon.

Water Margin(Shuihu Zhuan)

Romance of the Three Kingdoms(Sanguo Yanyi)

Journey to the West(Xiyou Ji)
Umaasa si Goh na mapapahigpit ang pagpapalitang kultural ng Malaysia at Tsina sa pamamagitan ng publikasyon ng "Four Great Classical Novels" na Tsino sa Wikang Malay. Ito rin aniya ay makakabuti sa pagpapalitang kultural ng mga etnikong Tsino sa Malaysia at iba pang grupong etniko.
salin:wle
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |