Nagbigay-galang kamakailan si Hiroto Izumi, Sugo ng Punong Ministro ng Hapon sa liderato ng Indonesia, na kinabibilangan nina Pangulong Joko Widodo at Pangalawang Pangulong Jusuf Kalla. Ito ay para ilahad ang proyekto ng high speed railway ng Hapon.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Luhut Pandjaitan, Tagapayo sa Palasyong Pampanguluhan ng Indonesya na sa kasalukuyan, hindi pa tinatanggap ng Indonesya ang plano ng Japan Railway, dahil gusto pa ring makisangkot ng China Railway sa usaping ito, at nagharap din ito ng katulad na plano. Ipinahayag din ni Luhut Pandjaitan na gagawin ng kanyang pamahalaan ang pinal na desisyon, batay sa pagtasa mula sa pangatlong organong pandaigdig.