Ayon sa China News Service, sa kanyang pakikipagtagpo sa Beijing noong Martes, Enero 5, 2016, kay Nguyen Thanh Cung, Pangalawang Ministro ng Tanggulang Bansa ng Biyetnam, sinabi ni Sun Jianguo, Deputy Chief of General Staff ng People's Liberation Army (PLA), na noong isang taon, matagumpay na isinagawa nina Xi Jinping at Nguyen Phu Trọng ang pagdadalawan. Naitatag aniya ng dalawang panig ang Community of Common Destiny na may estratehikong katuturan, at napapanatili ng relasyon ng dalawang hukbo ang mainam na tunguhin ng pag-unlad. Nakahanda ang hukbong Tsino na magsikap kasama ng hukbong Biyetnames, para mapasulong ang sustenable, malusog, at matatag na pag-unlad ng relasyon ng dalawang hukbo, dagdag pa niya.
Ipinahayag naman ni Nguyen Thanh Cung ang kahandaang magsikap kasama ng Tsina para mapasulong ang relasyon ng dalawang hukbo.
Salin: Li Feng