Ayon sa China News Service, ipinahayag noong Martes, Enero 5, 2016, ni Dato Seri Mustapa Mohamed, Ministro ng Kalakalang Pandaigdig at Industriya ng Malaysia, na kasunod ng grabeng pagbaba ng presyo ng crude oil at pagbagal ng paglaki ng kabuhayang Tsino, hindi kayang maisakatuparan ang 160 bilyong dolyares na target na halaga ng kalakalan ng Malaysia at Tsina sa taong 2017.
Sa kasalukuyan, ang pagpapalagayang pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Malaysia ay nasa pinakamataas na lebel sa kasaysayan. Ang Tsina ay pinakamalaking trade partner ng Malaysia, nitong nagdaang 4 na taong singkad, at ang Malaysia naman ay pinakamalaking trade partner ng Tsina sa mga bansang ASEAN, nitong nagdaang 5 taong singkad.
Ayon sa pagtaya ng Departamento ng Pag-unlad ng Kalakalang Panlabas ng Malaysia, itataas sa 110 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalan ng Malaysia at Tsina noong taong 2015, mula 102 bilyong dolyares noong 2014.
Salin: Li Feng