Sa kanyang talumpati sa symposium ng Tsina at Malaysia hinggil sa teknolohiya ng high speed railway, na idinaos noong Lunes, Disyembre 14, 2015, sa Kuala Lumpur, Malaysia, ipinahayag ni He Huawu, General Engineer ng China Railway Corporation(CRC), na bilang bansa sa daigdig na nagpapatakbo ng pinakamahabang high speed railway sa mundo, ang Tsina ay mayroong maunlad na teknolohiya at mayamang karanasan sa pagdidisenyo, pagtatatag, pagkakaroon ng kasangkapan, at pamamahalang pang-operasyon ng daambakal.
Dumalo rin sa pagtitipong ito ang namamahalang tauhan ng panig Malay sa daambakal, CEO ng Proyekto ng High Speed Railway sa pagitan ng Malaysia at Singapore, may-kinalamang diplomatang Tsino sa Malaysia,
at deputy general engineer ng CRC. Napalalim ng symposium ang pagpapalitan ng Tsina at Malaysia sa larangan ng high speed railway.