Ayon sa China News Service, sinipi noong Martes, Enero 5, 2016, ng mass media ng Indonesia ang pananalita ni Franky Sibarani, Direktor ng Indonesia Investment Coordinating Board (BKPM), na nagsasabing noong isang taon, umabot sa halos 20 bilyong dolyares ang halaga ng pinaplanong pamumuhunan ng mga mamumuhunang Tsino sa Indonesia. Ito ay katumbas ng halos 23% ng kabuuang halaga ng foreign planned investment sa Indonesia. Ang Tsina ay nagsilbing pinakamalaking bansang may planned investment sa Indonesia noong 2015.
Ayon kay Franky Sibarani, bukod sa Tsina, ang Singapore, Hapon, Timog Korea, at Amerika ay nagsilbing malalaking bansang naglagak ng pinaplanong pamumuhunan sa Indonesia noong isang taon.
Salin: Li Feng