Dumalaw sa Timog Korea si John Kerry, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos mula kamakalawa hanggang kahapon.
Sa kanyang pakikipag-usap sa mga lider ng Timog Korea na kinabibilangan ni Pangulong Park Geun-hye, ipinahayag ni Kerry ang kanyang paninindigan hinggil sa isyung nuklear ng Korean Peninsula at sa relasyon ng Hapon at mga kapitbansa nito.
Hinimok ni Kerry ang Hilangang Korea na itakwil muna ang planong nuklear nito. Pero, ang ginagawa aniya ng Hilagang Korea ay taliwas sa nasabing tunguhin. Isinasaalang-alang aniya ng Amerika na ibayo pang magpataw ng sangsyon laban sa Hilagang Korea.
Kaugnay ng lumalalang relasyon ng Hapon at Timog Korea dahil sa isyung pangkasaysayan, ipinahayag ni Kerry ang pagkatig sa Hapon sa pagkakaroon ng konstruktibong pakikitungo sa isyung pangkasaysayan para mapabuti ang relasyon nito sa mga kapitbansa. Ipinagdiinan ni Kerry na ang pagpupuslit ng Hapon sa mga babaeng Asyano bilang "comfort women" noong World War II (WWII) ay malubhang paglapastangan sa karapatang pantao. Idinagdag pa ni Kerry na sa ngalan ng dating administrasyon, humingi ng paumanhin hinggil dito sina dating Punong Ministro Tomiichi Murayama at Punong Sekretarya ng Gabinete Yohei Kono ng Hapon. Napuna rin aniya ng Amerika na ipinangako ng Administrasyon ni Abe na mananangan sa paninindigan ng nasabing mga opisyal na Hapones.
Salin: Jade