Sa isang pahayag na ipinalabas kahapon, Enero 6, 2016 ni Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations(UN), kinondena nito ang pagsasagawa ng Hilagang Korea ng nuclear test. Hinimok nito ang H.Korea na itakwil kaagad ang mga ito.
Sinabi ni Ban na ito ay hindi lamang makakasama sa kaligtasan ng rehiyon, kundi may negatibong epekto rin sa isinasagawang pagpigil ng komunidad ng daigdig sa pagpapalaganap ng mga sandatang nuklear.
Nang araw ding iyon, ipinahayag ng White House ng Amerika na magkaiba ang resulta ng isinagawang pag-aaral ng Amerika hinggil sa nasabing pagsubok at pahayag na isinapubliko ng H.Korea hinggil sa matagumpay na pagsasagawa ng hydrogen bomb test. Anito pa, ang aksyon ng H.Korea ay malubhang lumalabag sa mga katugong resolusyon ng UN.