Ayon sa China News Service, ipinahayag sa Jakarta noong Huwebes, Enero 7, 2016, ni Aarif Yahya, Ministro ng Turismo ng Indonesia, na sa kasalukuyan, iniimplimenta na ng kanyang bansa ang visa-free policy para sa mga turista mula sa 174 na bansa't rehiyon. Aniya, sa kasalukuyang taon, umaasa ang Indonesia na makakaakit ng 2 milyong person-time na turistang Tsino.
Sinabi ni Aarif na tungkol sa pagkabahala ng ilang tao na posibleng makaapekto sa kaligtasan at katatagan ng bansa ang pagsasagawa ng patakarang ito, sa katotohanan, isinasagawa rin ng mga kapitbansang gaya ng nito na gaya ng Malaysia at Singapore, ang visa-free policy sa mga turista ng mahigit 170 bansa't rehiyon. Ligtas pa rin ang naturang dalawang bansa, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng