Ayon sa China News Service, ibinalita noong Lunes, Enero 4, 2016, ng Indonesia News Agency na ayon sa resulta ng isang imbestigasyong isinagawa noong katapusan ng 2015 ng "Travel + Leisure" — isang bantog na magasing panturista ng Estados Unidos, napili ang Bali Island ng Indonesia bilang ikalawang pinakamagandang isla sa daigdig na sumusunod lamang sa Galapagos ng Ecuador.
Ipinagmalaki ni Aarif Yahya, Ministro ng Turismo ng Indonesia ang tungkol dito. Sinabi niya na sa kasalukuyang taon, may pag-asang makakaakit ang kanyang bansa ng 12 milyong dayuhang turista. Aniya, ang tourism income ng Indonesia sa taong 2016 ay maaring umabot sa mahigit 12 bilyong dolyares.
Salin: Li Feng