Ipinatalastas kahapon, Biyernes, ika-8 ng Enero, ng pamahalaan ng Amerika ang ilang bagong hakbangin, para pakilusin ang puwersa sa loob ng labas ng bansa, bilang tugon sa lumalaking bantang dulot ng marahas na ekstrimismo.
Batay sa naturang mga hakbangin, bubuuin ng Department of Homeland Security at Department of Justice ang Countering Violent Extremism Task Force. Ito ay para koordinahin ang mga gawain ng iba't ibang ahensiya ng Amerika ng paglaban sa marahas na ekstrimismo.
Samantala, bubuuin naman ng State Department ang Global Engagement Center, para makipagtulungan sa pamahalaan at non-government sector ng ibang bansa, bilang tugon sa propaganda ng Islamic State, Al-Qaeda, at iba pang teroristikong organisasyon sa internet.
Salin: Liu Kai